ni Angeli Cantillana
Bigo ang Philippine Azkals sa tangkang pagkopo ng puntos kontra FC Ingolstadt, 0-4, sa kanilang friendly match na ginanap sa Duren, Germany, Hunyo 23.
Hindi na nagawang pumorma ng Azkals sa 3-0 halftime lead ng Ingolstadt gamit ang hataw sa opensang gilas at taktikang pinangunahan ni midfielder Andreas Burchner at ace striker Moritz Hartman.
Ayon kay team captain, Aly Borromeo, nagsilbing leksyon ang pagkabigong ito para sa mas pulidong paghahanda para sa paghaharap ng Philippine Azkals kontra Sri Lanka Red Braves kaugnay ng 2014 FIFA World Cup Qualifying Match sa Hunyo 29 at Hulyo 3.
Sinasabing ang hindi paglaro ng mga midfielders na sina Stephan Shrock, Ray Johnsson, at Jerry Lucena dahil sa kani-kanilang European Club ang dahilan ng kanilang pagkagulantang.
“We can only gain from the loss and look to get better. The loss was good for us I say… They were a decent side with a ton of experience,” ayon kay Borromeo sa kanyang Twitter Account.
Nakatakdang lumipad patungong Colombo, Sri Lanka para sa first leg ng qualifying games samantalang ang second leg ng pagtutuos ay nakatkdang ganapin sa Rizal Memorial Stadium sa Vito Cruz, Manila. @angeli
-published for ANG TANGLAW- OFFICIAL PUBLICATION OF LOPEZ NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL



